Saturday, May 2, 2009
Sino ang iboboto ko sa darating na eleksyon?
Good day sa iyo Mr. Yoso, nais ko lang sanang hingan ka ng opinyon kung sino ba talaga ang dapat iboto sa darating na eleksyon. -Ergis
Base po sa kasalukuyang sitwasyon ng ating mga presidentiables ay nangunguna si Manny Villar dahil mas emosyonal ang kanyang komersyal kung ikukumpara sa iba. Yung kay Mar Roxas ay napaka-peke at di kapanipaniwala. Di na masyadong malakas ang bulong-bulungan ukol kay Francis Eskudero, kahit nga sa myx ay di na sya nakapasok sa top 20. Marami ang galit kay Loren Legarda dahil sa pagpahuli nito sa may-ari ng isang adult blog. Yung Mayor naman ng Makati na si Jejomar Binay, ay wa-react ang sambayanan. Negatibo pa rin ang imahe ni Bayani Fernando dahil sa paninira nito noong naglasing sya sa mga bading.
Maraming tagasuporta si Bayani Fernando, sya lang daw ang karapatdapat, ngunit, kay Manny Villar tayo dapat, dahil ang naghihrap, tinutuungan ng galing sa hirap. (Basta ganun yun.)
ETO NA LANG MUNA ANG IBOTO.
Sa una pong linggo ni Mr. Yoso ay nominado po ang blog na ito sa Filipino Blog of the Week Award (week 159).
Kung maaari po sana ay iboto nyo po ang Simisteryoso.
dito: CLICK DITO
Tapos scroll nyo pailalim, hanapin ang isang poll.
At iboto nyo ang SIMISTERYOSO
Maraming Salamat Po.
Labels:
Politiks
Posted by
Mister Yoso
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
6 komenta:
Balita ko, may Catholic bishop na tatakbo rin sa pagka-presidente. Seryoso ba?
Bayani Fernando po ako. :)
yahaha ang buong post palang iyon ay segway lang para sa iyong kampanya?
perstaym ni mr. perspektib dito kay mr. yoso
sino kaya iboboto ko...
Ano mangyayari kay tweety bird kapag uminom siya ng viagra? Sagot!
e bat si chiz ang picture na nasa taas? hehehe! tawag dyan, subliminal advertising. LOL
:D :P
Post a Comment