Wednesday, April 29, 2009

Tulong sa Ipinagbabawal na Pag-ibig

Hi po Mr. Yoso,
Ahihihihi. Itatago ko na lang muna ang name ko sa “Marilou”. Meron pa kase akong na-meet na cute na guy na gwapo talaga. Kaya lang poor sya eh. Eh i’m rich kaya. So diba hindi yun pwede? Yung guy po eh si “Brandon” eh cute sya. Kaso nga lang tricycle driver.

Minsan, sinadya kong sakyan yung tryke nya. Sa mga oras na iyon, napakaligaya ko. Nafifeel ko yung napakabilis na tibok ng heart ko, yung malakas na ihip ng hangin, at ang mga kanta ng mga birds. Si Brandon naman, pasimple lang yung padyak nya. Kumanta-kanta ako ng kanta ni Dime Lovvato, “This is me, this is really what I want me to be” yung may parinig effect. Naramdaman nya rin siguro yung nararamdaman ko dahil pagbaba ko ay sabi pa nya, “Miss beautiful, wag mo nalang pong bayaran, free na lang yun.” Sign na ba yun?

Isa pa, noong una sa sa fiesta ay ipinaglapit kami ng tadhana, dahil pareho kaming sumali sa isang game kung saan huhulihin yung baboy. Eh nandoon kami sa putikan, balot na balot na talaga ng putik. Noong nasa climax na ng panghuhuli, bigla nya na lang akong hinabol-habol at nang nagive-up na ako sa kakatakbo, natumba kaming dalawa sa putikan, dinakma-dakma nya ako. Parang nagging wild sya. Nang narealize ko na tsansa ko na ‘yun para halikan sya. Nag eye-to-eye kami at bigla na lang syang umalis.

Hindi na kame muling nakihalubilo o nagkita. Maliban na lang sa time na nandoon ako sa karinderya, tapos nakita ko syang may kasamang babaeng super cheap talaga as in. Umiyak ako dun, kasi narinig ko ang babaeng kumakanta ng theme song namin, yung “This is me, this is really what I want me to be.” Tumakbo ako palayo, hindi ko pa nga naubos yung chorizo ko.

Hanggang ngayon, hindi ko pa rin sya kayang iforget. Palageng pagsasakay ako ng tricycle ay kunyari pupunta ako sa kanya ay lalagpas at sasakay sa ibang tryke, pero sa totoo pinapaselos ko lang sya sa ibang mga drivers. Mas lumala pa yung situation ko noong sinabi ng mom at dad ko na ipapakasal nila ako kay “Montrbal” yung sikat na tagapag-mana ng bakery sa bayan namin. Tulongan nyo pa ako. Please.. Hindi ko to kaya. Palaging tumutulo ang tears ko, lalong lalo na kapag naririnig ko ang kantang 7 things ni Miley Cyrus, kinalimutan ko na yung dati naming themesong.....”You love me, you like her... and the seventh thing you hate the most that you do, you made my love you.”- Marilou


Magandang araw sa iyo Marilou. Una sa lahat nais kong sabihin sa iyo na isa kang malanding babae.
Ikaw naman, baka masyado ka lang nag-assume.
Sa paglibre sa’yo ng isang ride, baka akala nya poor ka so nilibre ka nya. Baka kasi nakatsamba sya noong araw na ‘yun ng mas mayamang babae.
So habulan nyo naman sa putikan, akala kang nya siguro, baboy ka kaya hinabol ka nya. Nagalit lang sya kasi hindi sya nanalo.
Ang dapat mong gawin ay kalimutan mo na lang sya. Lalo mo lang sasaktan yung sarili mo.
Magpakasal ka kay Montribal, at lagyan mo ng pesticide yung tinapay nya.. utusan mo yung isa nyong maid na pakainin mo sya.
Pagkalabas ng maid, tumawa ka, yung parang evil.

Hanggang dito na lang muna Marilou. Goodluck sa lablayp mo.
-Mr. Yoso

0 komenta:

Post a Comment