32rd Gawad Urian
Best Actor - Ronnie Lazaro (Yanggaw)
Best Supporting Actress - Aleera Montalla (Yanggaw)
Best Supporting Actress - Aleera Montalla (Yanggaw)
Hi po Mr. Yoso,
Ahihihihi. Itatago ko na lang muna ang name ko sa “Marilou”. Meron pa kase akong na-meet na cute na guy na gwapo talaga. Kaya lang poor sya eh. Eh i’m rich kaya. So diba hindi yun pwede? Yung guy po eh si “Brandon” eh cute sya. Kaso nga lang tricycle driver.
Minsan, sinadya kong sakyan yung tryke nya. Sa mga oras na iyon, napakaligaya ko. Nafifeel ko yung napakabilis na tibok ng heart ko, yung malakas na ihip ng hangin, at ang mga kanta ng mga birds. Si Brandon naman, pasimple lang yung padyak nya. Kumanta-kanta ako ng kanta ni Dime Lovvato, “This is me, this is really what I want me to be” yung may parinig effect. Naramdaman nya rin siguro yung nararamdaman ko dahil pagbaba ko ay sabi pa nya, “Miss beautiful, wag mo nalang pong bayaran, free na lang yun.” Sign na ba yun?
Isa pa, noong una sa sa fiesta ay ipinaglapit kami ng tadhana, dahil pareho kaming sumali sa isang game kung saan huhulihin yung baboy. Eh nandoon kami sa putikan, balot na balot na talaga ng putik. Noong nasa climax na ng panghuhuli, bigla nya na lang akong hinabol-habol at nang nagive-up na ako sa kakatakbo, natumba kaming dalawa sa putikan, dinakma-dakma nya ako. Parang nagging wild sya. Nang narealize ko na tsansa ko na ‘yun para halikan sya. Nag eye-to-eye kami at bigla na lang syang umalis.
Hindi na kame muling nakihalubilo o nagkita. Maliban na lang sa time na nandoon ako sa karinderya, tapos nakita ko syang may kasamang babaeng super cheap talaga as in. Umiyak ako dun, kasi narinig ko ang babaeng kumakanta ng theme song namin, yung “This is me, this is really what I want me to be.” Tumakbo ako palayo, hindi ko pa nga naubos yung chorizo ko.
Hanggang ngayon, hindi ko pa rin sya kayang iforget. Palageng pagsasakay ako ng tricycle ay kunyari pupunta ako sa kanya ay lalagpas at sasakay sa ibang tryke, pero sa totoo pinapaselos ko lang sya sa ibang mga drivers. Mas lumala pa yung situation ko noong sinabi ng mom at dad ko na ipapakasal nila ako kay “Montrbal” yung sikat na tagapag-mana ng bakery sa bayan namin. Tulongan nyo pa ako. Please.. Hindi ko to kaya. Palaging tumutulo ang tears ko, lalong lalo na kapag naririnig ko ang kantang 7 things ni Miley Cyrus, kinalimutan ko na yung dati naming themesong.....”You love me, you like her... and the seventh thing you hate the most that you do, you made my love you.”- Marilou
piNkgirl_12, Naku, mukhang mapapahamak ako pagsinagot ko yang tanong mo. Kasi hindi ko ito dapat ipagkalat eh. Kaya lang alam mo naman ako *Panig sa katothanan, panig sa Bayan* kaya’t hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Sa tingin ko rin ay kailangan nang malaman ng publiko ito para hindi na matuloy ang pinaplano nyang dominasyon sa mundo. Si Inday ay isang Aswang.
Nakakatakot talaga. Kasi noon amo nya yung friend ko. Every 6pm nawawala na lang daw sya at doon sya sa kwarto nya. Bumabaho ang buong bahay sa mga oras na ‘yun. Yung tipong malangsa, na parang isda. Tuwing gabi pa nga doon daw sya tumatambay sa kusina.
Isang gabi, habang tumatambay sya sa kusina, may isang lasenggong nagtangkang pumasok sa bahay ng friend ko, e Kano kasi yun eh. Nagtangka daw na gahasain si Inday. Walang nagawa si Inday kaya’t nabuntis sya. Naalala pa daw nyang habang nirerape sya, palaging sumisigaw ang lalake ng Ingles. Nagka-trauma na si Inday.
Napagpasyahan nyang mag-aral ng Ingles para maintindihan nya ang mga salitang pa-ulit-ulit nyang naririnig. At ‘yun na nga, natutu sya. Ang anak nya’y ipinampon nya. Yun na si Junior. Napilitang maging katulong si Inday. Gabi-gabi’y umiiyak sya dahil hindi sya ang itinuturing na “Ina” Junior. Sya’y yaya lang, isang loser na yaya. Hindi sya makatulog dahil naaalala nya palagi yung mga rumaragasang mga salitang sinisigaw ng Kano. Gusto nyang ipasa ang kanyang pagka-aswang kay Junior para ipaghiganti sya.
Tuwing makareceive ka ng texts ni Inday i-bura mo agad, meron daw na Aswang incantation doon. Ewan ko ba kung magtitiwala ako sa friend ko nay un eh. Baka gawa-gwa nya lang. Pero totoo daw ito.
-Mr. Yoso
Dear Mr. Yoso,
Sino mas maganda si Marian Rivera o si Angel Locsin?
Your's truly,
Wilma G.
Dear Mr. Yoso,
Kahapon, may nakita akong electric fan sa may bakanteng lote. Ilang minuto ang lumipas, nawala ito.
Ako ito,
Hotbabe_52
Brought to you by : blogger templates