Showing posts with label Buhay Pinoy. Show all posts
Showing posts with label Buhay Pinoy. Show all posts

Friday, August 21, 2009

Manok

2 komenta
Uhm. Hello Mister Yoso.

I am Ham Taro, but you can call me Ham. So, one day, I went to my friend's bertday party. While I was on my way, I saw this manok, a white fat manok, beside the high way. I didn't mind it at first, because, well, it was so mainit inside the jeep. The stoplight says Stop pa naman. Then exactly when the stop light said Go, the manok ran/walked/hopped to the middle of the road. Saaad, you can imagine naman the scene. Ew.

So I was wondering, why did the chicken cross the road?!
-Ham Taro



What a nice evening, Ham.
What a difficult question you have there, Ham. (at napa-english ulet ako.)
Ang hirap naman, so.. ikukunsulta ko pa ang mga kaibigan ko. (ala goodtimesmanila)

Dora the Explorer: Middle of the Road, Other Side of the Road.. Tallest Mountain!
Backpack: Yum, yum, yum, yum, yum. Delicioso!
Claudine: Mayroong Real herbs and spices sa other side.. Dahil mas masarap kung Real”
Aiai: …di naman kailangan ng herbs and spices… Let's make magic! Santino: Kawawa naman yung manok.. BRO tulungan nyo po.
Aling Dionesia: Manny! may pulutan ka na!
Manny Pacquiao: Maybe because you know...Now you know!
Gerald Anderson:
Hindiiii! Kung kaya ko lang sanang ibalik ang oras.. sana maulit muli..
Kim Chiu: Happiness!
Gloria: I am sorry... for the chicken.
Erap: When I grow up.. I want to be a chicken. Fear me.
Piolo: I love chickens.
Sam: Tweet tweet... I mean, toktorook.
Marian Rivera: I believe therefore I am.. beutifuuuul.. owll owverrr. maintein!
Karylle: Inahas sya.
Dingdong:
to get to the hunky chunky chickens.
Angel Locsin
: Ililigtas ko ang Manok. Ding ang bato!
Dog: wooof woof.
Cat: Meow.
Manny Villar: Ayoko ng chicken gusto ko duck.
Jolibee:
To get to Jolibee
Miriam Defensor: I believe it was a rooster.. stupid rooster..
Kris Aquino: Ewwww. I hate chickens kaya.. so kadiri.
Mar Roxas: Kamustaaaa? Anak, itabi mo.. May manok kang nasagasaan.
Hayden Kho: Yes, I videotaped the chicken cross the road.
Katrina Halili: Tumawid lang, pero binaboy mo ang manok!! Imbes na doktor, direktor pala!


Mr. Yoso: Maybe it is part of the changes it should adapt to because of global warming. Or maybe an outside net force influenced the direction of the chicken.

Hay naku..Sige na nga. sasabihin ko na ang katotohanan..

Kasi.. ang chicken na iyun ay nangungulila sa kanyang mga sisiw.. Hinahanap hanap nya sa iba't ibang mga road.. Ilang beses na syang tumawid pero hindi parin nya mahanap. Kaya't sa sandaling yaon. Sa mga madilim na sandaling yaon.. ay napagpasyahan nyang lagyan na ng tuldok ang kanyang buhay pagka't wala na itong saysay.. at sa hudyat ng pulang ilaw ay diretso syang tumawid.. at sa pagtatapos ng madilim na sandaling yaon.. ay hindi na sa kabilang daanan (na kanya nang nakasanayan)sya nakarating...kundi ay sa kabilang buhay...

...
.....
...
........
...
....
..
......
..

Joke lang..
Nagmamadali lang talaga syang pumunta sa party na iyon..
Yun pala eh late na late na talaga sya..

-Mr Yoso

mag email lang kayo sa..
simisteryoso@yahoo.com

Wednesday, April 29, 2009

SI INDAY AY ISANG ASWANG!

0 komenta


Ei pOw, gUsTo laNg mE maLaMan siNo si iNday? BaT siKaT sYa? BakiT maRunoNg sYang Mag-eNglisH? Hai nAkow, InDAy is sO kaiNis huh. AlaM mE mataGaL nA sYa, pEwo KaenES kaSe eH. RecEive akO nG rEceiVe. –piNkgirl_12

piNkgirl_12, Naku, mukhang mapapahamak ako pagsinagot ko yang tanong mo. Kasi hindi ko ito dapat ipagkalat eh. Kaya lang alam mo naman ako *Panig sa katothanan, panig sa Bayan* kaya’t hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Sa tingin ko rin ay kailangan nang malaman ng publiko ito para hindi na matuloy ang pinaplano nyang dominasyon sa mundo. Si Inday ay isang Aswang.

Nakakatakot talaga. Kasi noon amo nya yung friend ko. Every 6pm nawawala na lang daw sya at doon sya sa kwarto nya. Bumabaho ang buong bahay sa mga oras na ‘yun. Yung tipong malangsa, na parang isda. Tuwing gabi pa nga doon daw sya tumatambay sa kusina.

Isang gabi, habang tumatambay sya sa kusina, may isang lasenggong nagtangkang pumasok sa bahay ng friend ko, e Kano kasi yun eh. Nagtangka daw na gahasain si Inday. Walang nagawa si Inday kaya’t nabuntis sya. Naalala pa daw nyang habang nirerape sya, palaging sumisigaw ang lalake ng Ingles. Nagka-trauma na si Inday.

Napagpasyahan nyang mag-aral ng Ingles para maintindihan nya ang mga salitang pa-ulit-ulit nyang naririnig. At ‘yun na nga, natutu sya. Ang anak nya’y ipinampon nya. Yun na si Junior. Napilitang maging katulong si Inday. Gabi-gabi’y umiiyak sya dahil hindi sya ang itinuturing na “Ina” Junior. Sya’y yaya lang, isang loser na yaya. Hindi sya makatulog dahil naaalala nya palagi yung mga rumaragasang mga salitang sinisigaw ng Kano. Gusto nyang ipasa ang kanyang pagka-aswang kay Junior para ipaghiganti sya.

Tuwing makareceive ka ng texts ni Inday i-bura mo agad, meron daw na Aswang incantation doon. Ewan ko ba kung magtitiwala ako sa friend ko nay un eh. Baka gawa-gwa nya lang. Pero totoo daw ito.

-Mr. Yoso